PAMANA NG NAKARAAN: KULTURA

Kulturang minsa'y kinuha sa atin ng mga banyagang mananakop. Ngunit muling naibalik dahil sa pag-aalay ng dugo, pawis at luha ng ating mga bayani. Kulturang minsa'y pinayabong at ipinagmalaki muling bubuhayin at patatatagin upang sa susunod na henerasyon ito'y maging repleksyon ng isang bansang mayaman sa tradisyon at kultura.

Ang bansang Pilipinas, kilala bilang bansang mayaman sa kultura, tradisyon at paniniwala. Tulad na lamang ng mga piyesta sa iba't-ibang probinsiya. Halimbawa, Pahiyas ng Quezon, Ati-atihan ng Aklan, White Nights ng Davao del Sur at marami pang iba. Isa itong paraan upang ipakita ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga natatamo nilang biyaya. Sa bawat pagdiriwang na ito hindi mawawala ang sayawan, kantahan at lalo na ang mga handaan sa iba't-ibang tahanan. 

Kalakip ng mga pagdiriwang na ito ay ang iba't-ibang paniniwala o pamahiin. Pagdating sa usaping ito tayong mga Pilipino ang nangunguna rito. Mga paniniwalang walang tunay na basehan ngunit pinaniniwalaan. Mga bagay na hindi naiipaliwanag kaya't patuloy na lamang ang paggawa.

Ngunit, pagdating naman sa pagpapahalaga at pagmamahal bawing-bawi ang mga pilipino jan. Para sa ating mga Pilipino kung tayo'y magmahal ay lubos. Lahat ay iniaalay para sa taong mahal, lahat ay ginagawa makamit lamang ang nais na pagmamahal. Tayo'y lubos kung magpahalaga, magpahalaga sa mga alituntunin ang tungkulin. 

Kaya't nararapat lamang na lahat ng ito'y ingatan. Pamana ng nakaraan magiging pundasyon upang magtatatag ng malagong kinabukasan

Mga Komento